BALITA: Nasaan? Exhibit

Setyembre 29, 2010 Mag-iwan ng puna

extended po ang Nasaan? Exhibit, at kasalukuyan pang nasa Ishmael Bernal Gallery sa UP Film Institute, at mananatili dun hanggang sa dulo ng Setyembre.

Mga Kategoriya:Balita

LITRATO: Ilusyon

Setyembre 29, 2010 Mag-iwan ng puna

Kuha ni Piya Constantino

sa Sonang Bayan, Commonwealth Ave, July 2010

Mga Kategoriya:LITRATO

DIBUHO: Free the 43

Marso 17, 2010 4 mga puna

Rom Factolerin

Ink and Charcoal pencil-photoshop
march 8, 2010

Mga Kategoriya:DIBUHO

PANITIKAN: Leksyon sa Eleksyon

Pebrero 24, 2010 Mag-iwan ng puna

Ni Kislap Alitaptap
21 Pebrero 2010

Namamayagpag sa ere ang eleksyon,
Nadagdagan, nabawasan ang mga koneksyon.
Sa mga nakakatanggap ng bendisyon,
Pumapaimbulog ang kanilang koleksyon.

Ang gimik ng iba’y magsisimba’t pipila sa komunyon
Na sana sila’y pagpalain sa kanilang desisyon.
Sa lahat ng sulok ng apat na direksyon,
Nagkalat ang mga bandera ng “beautification”.

Ang rosas ay ginawang luntian ng administrasyon,
May dilaw at kahil na pantapat naman ang oposisyon.
May isang ibinida na naipababa ang singil sa komunikasyon,
Ngunit ‘di nito binanggit na siya’y pasimuno ng militarisasyon.

Ang isa nama’y ibinalita ang pagsasaayos ng transportasyon,
Ngunit ‘di nito ibinilang na siya ang ulo ng mga demolisyon.
Samut-saring patutsadahang ibinabala sa kanyon,
Sandamakmak na pangakong wawakasan ang korapsyon?

Ang iba’y nagsabing bibigyang pansin ang edukasyon?
May isa namang nais bumalik sa inagaw sa kanyang posisyon?
Sumang-ayon ka man o hindi sa aking opinyon,
Ang mga ito’y tabing lamang ng maiitim nilang intensyon.

Kung ikaw may nakapagpatala sa lumipas na voter’s registration,
‘Nawa’y alam mo din ang sistema ng susubukang automation.
‘Wag na wag mo ring kakaligtaang isama sa iyong selection,
Ang mga indibidwal at samahang kasapi ng Makabayang Koalisyon.

Anuman ang kahantungan ng umeereng eleksyon,
Sana rito’y makahagilap ka ng buhay na leksyon.
Na ang prosesong eleksyon, sa kahirapan ay ‘di solusyon;
Ito’y paligsahan lamang nilang mayroong, daan-daang milyon at bilyon. #

Mga Kategoriya:PANITIKAN Mga kataga, , , , ,

Balita: Call for Submissions: (e)leksyon

Pebrero 12, 2010 Mag-iwan ng puna

Nitong nakaraang Disyembre 8, 2009, matagumpay na nailunsad ang unang isyu ng Inkwentro, isang zine na proyekto ng UGATLahi Artist Collective, kung saan, sa pamamagitan ng mga biswal na komentaryo, isinasatinta ang mga realidad at kabalintunaang makikita sa ating lipunan. Layunin nitong himukin tayong suriin nang mas malalim ang araw-araw nating naeengkwentrong mga masalimuot na mga eksena’t kalagayan sa lansangan, at mga kalakaran sa naghaharing sistema ng lipunan.

Bilang pagpapatuloy ng proyekto, kasalukuyang sinisimulan ang Inkwentro Blog, kung saan inaanyayahan namin ang mga artista, manunulat, at potograpo na magsumite ng kanilang mga biswal at berbal na komentaryo ayon sa nasabing tema.

Maaaring magsumite ng artworks (manual o digital, colored man o black and white), litrato, sanaysay, tula, o maikling kwento (Ingles man o Filipino) sa inkwentro@gmail.com

Mangyari lamang na sumangguni sa guidelines sa pagsusumite.

Maraming salamat at inaasahan po namin ang patuloy ninyong pagsuporta.

Mga Kategoriya:Balita Mga kataga, , , , , , ,

KOMIKS: Hele

Pebrero 12, 2010 Mag-iwan ng puna

ni Piya Constantino

pen and ink

2007

unang inilathala sa Philippine Collegian 2007-2008.

Mga Kategoriya:EDCART / KOMIKS Mga kataga, , , , ,

BIDYO: Talahib People’s Music

Pebrero 12, 2010 Mag-iwan ng puna

“Bumangon Ka Igorotan” ng Talahib People’s Music
Sa Paglulunsad ng Inkwentro 1
Mag:Net Cafe, Disyembre 8, 2009
Kuha ni Piya Constantino