Iimbak
Balita: Call for Submissions: (e)leksyon
Nitong nakaraang Disyembre 8, 2009, matagumpay na nailunsad ang unang isyu ng Inkwentro, isang zine na proyekto ng UGATLahi Artist Collective, kung saan, sa pamamagitan ng mga biswal na komentaryo, isinasatinta ang mga realidad at kabalintunaang makikita sa ating lipunan. Layunin nitong himukin tayong suriin nang mas malalim ang araw-araw nating naeengkwentrong mga masalimuot na mga eksena’t kalagayan sa lansangan, at mga kalakaran sa naghaharing sistema ng lipunan.
Bilang pagpapatuloy ng proyekto, kasalukuyang sinisimulan ang Inkwentro Blog, kung saan inaanyayahan namin ang mga artista, manunulat, at potograpo na magsumite ng kanilang mga biswal at berbal na komentaryo ayon sa nasabing tema.
Maaaring magsumite ng artworks (manual o digital, colored man o black and white), litrato, sanaysay, tula, o maikling kwento (Ingles man o Filipino) sa inkwentro@gmail.com
Mangyari lamang na sumangguni sa guidelines sa pagsusumite.
Maraming salamat at inaasahan po namin ang patuloy ninyong pagsuporta.

